"stop, look, listen, write." submit articles to: krayraen@yahoo.com

Monday, February 28, 2005

shimmer

maya

light cuts deep
through darkness' sleep
i wake,
nothing happens
nothing's left

but thoughts of you to keep..

Saturday, February 26, 2005

RE-PUBLISHED

bLacK rOsE’s Notes: this material was originally published in “HUBAD IV” Ang Opisyal na Suplementong Pampanitikan ng The Gazette last 2004. I’ve decided to published this material again here in Spolarium to share my very first attempt to write a meaningful article concerning the life of a Student Journalist. Having a life were he encounters the pleasure and the anguish of Serving The People. The time were he understands the true eloquent of love. Please don’t interrogate me why should this material must be published, just read between the lines and you’ll know why... Ok! I want to take this moment and give my gratitude to Little for the bestow of publishing this material in the literary polio and Prince for the exquisite drawing that gave life to this material. (Astig kayo mga pare ko!) and lastly to the most influential and the greatest band of all time the EraserheadS. (Atin ‘to!) Jocelyn I. Noche this is for you.

huling el bimbo

Malalim na gabi... malamig ang simo’y na hangin... maningning ang mga bituin... lagi ko pa ring naalala noong mga panahon na kasama pa kitang sumasayaw sa himig ng malamyos na musika...

Freshman ako noon ng mag-apply ako sa isang pahayagang pangkampus. Nakilala ko si Jocelyn o mas kilala sa tawag na Jorn sa mga nakakakilala sa kanya. Ewan ko ba, itinakda na talaga siguro ng tadhana ang aming pagkikita. Tandang ko pa, naaliw ako noon sa tugtog na nagmumula sa isang opisina. Kaya naman nagmadali akong pumasok sa loob para makinig at para itanong na rin kung saan ang publikasyon. Nakita ang isang napakagandang babae, kung saan sinasabayan niya ng sayaw ang tugtog sa radyo ng nag-iisa. Sa simula ay hindi ako nagpahalatang naliligaw sa paghahanap ng opisina ng publikasyon, ngunit ng ako’y napatinign sa kanya, tila na batu-balani ako sa tamis ng kanyang ngiti sa kanyang mapulang labi at napansin ko ang ningning ng kanyang mga matang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at tinugunan niya ito ng isang mapang-akit na tinig. “Ano po ang kailangan nila?” tanong niya sa akin habang lumapit ako sa tabi niya. “Saan po ba makikita ang opisina ng publikasyon? Mag-aaply kasi akong writer...” tanong ko. “Tamang-tama ang pasok mo, ito na nga ang opisinang hinahanap mo. Paki-fill up na lang ng application form...”

Naging simula ng aming pagkakaibigan ang pagkikitang iyon. Nalamam kong siya pala ang Associate Editor ng publikasyon. Masayahin si Jorn at iisipin mong parang wala siyang problema sa buhay. Sa tuwing meron kaming presswork palagi kaming magka-partner sa artikulong ginagawa ko. Palagi niya akong tinuturuan sa lahat ng bagay na hindi ko maunawaan sa aming trabaho. Sa tuwing natatapos ang aming gawain sa dyaryo ay parang tumitigil na ang pag-ikot ng mundo dahil yayain na naman niya ako sa rooftop ng Student Union Building para makinig sa paborito naming banda ang Eraserheads. Tuwang-tuwa si Jorn kapag naririnig ang kantang “Ang Huling El Bimbo” kasi paborito niya iyong part na sumasayaw na ang Eraserheads ng El Bimbo doon sa video nila. Ewan ko ba, siguro likas lang talaga sa kanya ang pagiging masayahin. Paano ba naman imbes na makinig nalang sa tugtog ay sinasabayan pa niya ito ng sayaw. Siyempre ako naman sumayaw din, sinaksakyan ang trip niya.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti ay nagkukubli ang kalungkutang maaninag sa kanyang mga mata. Naalala ko tuloy ang palaging sinasabi sa akin ng tropa, “Sa mata makikita ang tunay na damdamin.” Maalala ko, dalawang taon na rin pala kaming magkaibigan ni Jorn. Matagal na rin pala at sa loob ng dalawang taon ay hindi ako magdadalwang-isip sabihin na nagkaroon na rin siya ng espesyal na bahagi sa aking puso simula pa lamang ng una kaming magkakilala. Sa tingin ko, hindi ko na ito mapipigilan. Matagal ko na itong kinikimkim sa aking dibdib.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon hindi ko na ito pinalampas pa. “Jorn...” ang malambing kong pagsambit, “Alam mo lagi kitang iniisip, naalala... siguro mahal na kita...” Hindi nakapagsalita si Jorn. Sa mga oras na iyon ewan ko kung ano ang iniisip niya nang sabihin ko sa kanya iyon. Basta ang alam ko, kahit paano, kahit kaunti ay may nararamdaman din siyang pagmamahal sa akin.

Nalungkot ako dahil ng mga sumunod na araw ay hindi na siya madalas pumunta sa opisina. Hanggang isang araw nakita ko na lang na kasama niya si Jamp, ang kanyang bestfriend. Gusto kong magalit, magwala ngunit ano ang karapatan ko? Wala. Ganito nga ba talaga ang pag-big, kapag nagmahal ka ay huwag mong asahang magkaroon ito ng kapalit?

“Jorn, bakit? Bakit kailangan mong itanggi ang nararamdaman mo para sa akin? Bakit kailangan mo akong iwasan?” pinilit ko siyang makausap sa kabila ng hindi niya pagpunta sa opisina at pagre-resign niya para lang makaiwas sa akin.

“Ano bang pinagsasabi mo Jeronne, hindi ka ba nakakahalata na kaya iniiwasan kita ay dahil hindi kita gusto?”

Gusto kung lumubog sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Ngunit iniiwasan niya akong tingnan. ”Alam ko sa sarili ko, nararamdaman ko... mahal mo rin ako Jorn! Huwag mo na itong pigilan pa mahihirapan ka lang...”

“Hey, hey, nagkakamali ka. I don’t have any feelings for you. Sorry...” iniwan na akong tulala ni Jorn. Ang sakit-sakit parang gusto kong mawala sa mundo sa mga oras na iyon. Bakit kasi umamin pa ako, sana’y magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.

Wala na akong magagawa, kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan maghilom ang sugat sa puso ko. Sinubukan kong kalimutan si Jorn sa pagiging masipag sa pag-aaral at paggawa ng maraming artikulo sa dyaryo. Makalipas ang isang taon dala na rin siguro ng karanasan ay naging Culture Editor ako. Masayang-masaya ako noon. Gusto kong ibahagi ang aking tagumpay... kay Jorn. Ngunit nasaan na nga ba siya? Lagi ko pa rin siyang naalala. Naalala ko siya kapag umuulan, naalala ko siya kapag giniginaw, naalala ko siya... ilang bukas pa kaya bago kami magkita? Ang malandi niyang tinig, ang makulay niyang tawa. I really miss her so much.

Ang akala ko’y tuluyan ko ng makakalimutan si Jorn, ngunit tila pinaglalaruan yata ako ng pagkakataon. May dumating na sulat sa aming opisina na galing sa Alyansang Kumakatawan sa Karapatan ng Mag-aaral. Kailangan nila ng suporta ng lahat ng organisasyon ng estudyante sa pamantasan upang mapigilan ang pagtaas ng matrikula sa pamantasan. Kalakip ng sulat ay ang alyas na “Supremo”. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinabahan sa sulat na iyon.

Dumating na ang takdang oras. Isang malawakang protesta ang naganap sa Pamantasan ng Kabite. Ako, kasama ng editorial board and staff ng publikasyon at ang iba’t ibang organisasyon sa pamantasan ay nagmartsa patungo sa Admin upang ipaalam ang aming hinaing sa Presidente. Nagsimula nang magsalita ang chairman ng iba’t ibang organisasyon sa kampus. Maging ako’y nakapagsalita na rin. Hanggang sa tawagin ang chairman ng alyansa- ang Supremo. Bigla na naman akong kinabahan. Bumilis muli ang tibok ng aking puso, tila may magaganap na hindi maganda sa oras na iyon.

“Tinatawagan ang chairman ng alyansa upang magsalita ang Supremo!”
“Si Jorn? Si Jorn ang Supremo!”

Hanggang sa marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Nagtakbuhan ang mga nagprotestang estudyante sa iba’t ibang direksyon. Hinanap ko agad si Jorn. Nabigla ako sa aking nakita, kumalat ang likidong pula sa kanyang kamiseta.

Pumunta ako sa pagamutan kung saan dinala si Jorn. Malungkot ang kapatid ni Jorn ng makita ako. Meron siyang ipinagtapat sa akin.

“Bata pa lang kami ng mamatay ang aming ama dahil sa walang awang pag-salvage sa kanya ng isang pulitiko na kanyang naisulat sa isang kilalang pahayagan sa aming bayan. Ang ina namin na isa ring batikang manunulat ay hindi natahimik hangga’t hindi nabibigyang katarungan ang pagkamatay ng aming ama. Patuloy pa rin siya sa pagsulat ng artikulo tungkol sa isang pulitiko hanggang isang araw, natagpuan na lang ang kanyang bangkay, walang awang pinatay. Makalipas ang isang taon nabigyan rin ng katarungan ang pagkamatay ng aming mga magulang kasabay ng isang pangakong kahit kailan ay hinding-hindi siya iibig sa isang manunulat o kahit kaninong lalaking miyembro ng pahayagan. Lagi lamang daw niyang maalala ang nangyari sa aming mga magulang. Ngunit nagbago ang pananaw niyang ito ng makilala ka niya. Gulung-gulo ang isip ng Ate kaya napagpasyahan niyang mag-resign sa publikasyon para makapag-isip at malaman ang tunay niyang nararamdaman para sa’yo, kung kakalimutan ba nya ang nakaraan o mamahalin ka ba niya ng boung-bou...” nagulat ako sa aking nalaman.

Natuwa ako ng malaman ko na mahal pala ako ni Jorn, subalit ang tuwa ay napalitan ng lungkot nang pumasok ako sa silid ng aking “kaibigan”. Maputla siya, malalim ang mga mata na tila pagod na pagod.

“Jeronne...” kitang kita ko sa ang kislap ng kanyang mga mata pagkakita sa akin. Hindi ko natagalan ang tinging iyon. Awang-awa ako sa kanya. Tumagos ang bala sa kanyang puso, ngunit kahit natanggal na ang bala dito ay 50/50 ang tiyansa niyang makaligtas.

“Nakakatawa ano, kayang-kaya nating lutasin ang problema ng iba ngunit ang problema ng ating mga puso ay hindi...” hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Jorn. Tama siya kailangan na naming tugunan ang problema ng aming mga puso.

“Puwede mo ba akong dalhin sa rooftop ng ospital, magsayaw tayo sa liwanag ng mga bituin kagaya ng dati...” sinubukan niyang maging masigla, kahit nakakaramdam na siya ng sakit.

“Ano ka ba Jorn? Magpahinga ka na lang d’yan sa kama mo/”
Makulit si Jorn. Matagal na rin daw kasing hindi napraktis ang pareho naming lkaliwang paa.”Nakabatak ka ba Jorn?” pang-aasar ko habang paakyat na kami sa rooftop.

Makislap ang kanyang mga mata, matamis ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Bigla niya akong hinalikan sabay sabing, ”I’m sorry for not giving you a chance Jeronne, all this time, walang ibang nagmay-ari ng puso ko kundi ikaw lang. Ikaw...”

Lumalalim na ang gabi. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig. “Kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo. Mahal kita Jorn, mahal na mahal...” boung giliw kong sabi.

“I love you too Jeronne, I hope it’s not too late...” gusto kong umiyak ng mga oras iyon. Panginoon bakit siya pa? Bakit siya pa na ang hinangad lamang ay ang kapakanan ng kapwa namin estudyante? Siya na nais lamang ay pagbabago.

“Wala tayong tugtog Jeronne, kumanta ka para sa akin...” mahina na ang boses ni Jorn.
“Huwag na lang kaya? Halika na magpahinga ka na ayokong may mangyaring masama sa’yo.”
“No, let’s dance. Jeronne please?”

Napabuntong hininga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula na akong kumanta.

“lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw,
sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...
magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay...”

Jorn? Hindi na siya sumagot. Jorn! Tinawag ko siyang muli ngunit hindi na niya ako narinig. Nagpaalam na si Jorn.

Malalim na ang gabi... Malamig ang simoy ng hangin... maningning ang mga bituin... ang lahat ng pangarap ko’y bigla naglaho. Sa tuwing madilim ang gabi at marami ang bituin naalala ko pa rin si Jorn. Marahil malilimutan ko lang siya kung hindi ko na maririnig ang himig ng malamyos na musika...

Wednesday, February 23, 2005

biro ng tadhana

inah tamarah (the quill)

may mga pagkakataon na kung saan talagang aakalain mong napagtitripan ka ng mundo.may mga pangyayari na kung saan ay magtataka ka kung ano talaga ang ibig sabihin no'n, kung di man ay kung anong mangyayari pagkatapos.
maghapon akong maghanap ng ChocNut. buong mundo na yata binulabog ko para magka-ChocNut lang ako pero walang nangyari. naiwan ako sa isang sulok na walang kausap at wala ring ChocNut.
Bigla na lang sumagi sa isipan ko yung bagay na pilit kong binabaon sa limot. bumalik ang bigat ng pakiramdam ko at tila ang bilis ng takbo ng buhay sa paligid ko habang ako'y nakatanga at gusto ko na lang mawala.
sinubukan kong magsaya at ngumiti kasama ang mga katropa pero walang nag-iba. akala ko'y matatakpan ng mga tawanan namin ang pagkatuliro ng utak ko. hanggang sa kinailangan ko nang umuwi kaya lalo akong nalugmok sa kalungkutan ko.
habang nakasakay sa jeep napasulyap ako sa magkasintahang magkaakbay. parang nilagyan ng gabundok na bato ang puso ko. napansin kong napatulala ako sa kanila kaya binaling ko ang aking atensyon sa labas ng jeep.
naglakbay ang diwa ko at parang gusto ko na lang din lumipad kasama ng isipan ko. sana naging simple na lang ang lahat at di na siguro ganito kakumplikado ang nararamdaman ko.
pagbaba ko'y nagpasalamat ako dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko. kaunting panahon kasama lamang ang sarili ko at ang miserableng pakiramdam ko.
di ko alintana ang mga taong nagmamadali dahil sa ambon. binibilang ko ang bawat hakbang nang bigla kong maalala ang hinahanap ng panlasa ko.
kinatok ko ang tindahan ni aling emma para bumili ng ChocNut pero sabi niya kauubos lang daw. wala akong magawa kundi maglakad muli at magbilang ng bawat hakbang ko.
lumalakas ang ulan pero di ko yun pinapansin, ang hiling ko lang makakain ako ng ChocNut at mawala na ang problema ko. may magbigay lang ng ChocNut sa akin baka mapakasalan ko siya sa tuwa.
basang-basa na ako at lalo pang lumakas ang ulan pero di ako sumilong. gusto kong damhin ang pakikiramay ng kalikasan sa akin. pero pagtapat ko sa isang botika ay isang kamay ang humatak sa akin.
tumambad sa aking harapan ang taong nasa huling bahagi ng listahan ng mga taong gusto kong makita, ang ex ko. para siyang makakita ng lumang kaibigan at walang kaabog-abog ay tinanong ako kung may balak daw ba akong magpakamatay.
hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat ay ngumiti ako na para bang ordinaryo lang ang mga nangyayari. ang sagot ko sa lang sa tanong niya ay kailangan kong makauwi kaagad.
sinabihan niya akong sumilong mula at tsaka inabot ang panyo niya. kinuah ko ang panyo at nahihiyang pinunasan ko ang basang-basa kong mukha habang pinanonood ko siyang kinkapa ang bulsa niya na tila may hinahanap. paglabas ng kamay niya ay nakita ko ang biro ng tadhana sa akin.
inilapit niya sa akin ang kanyang kamay at huminto sa pag-ikot ang mundo ko.
tinignan ko siya pero di niya matunugan ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. hinihintay lang niyang kunin ko ang nasa kamay niya.
yung ChocNut....

Monday, February 21, 2005

torpedo

by lino

Ginusto mong mapag-isa habang malayo ka nakamasid sa pinakamagandang talinhaga ng iyong buhay. Unti-unti mong binubuo ang pirasong pangarap sa pagtitig sa dilag sa malayo. Nang naabala ka sa pag-iibang ihip ng hangin mula sa tinatanaw. Mula sa sinisinta ay may ibang nagtangkang lumapit at nagkamit ng ngiti na dapat ay sayo kung sana lamang…

Gusto mong sumigaw pero hindi mo nagawa dahil kalabisan na ang magpakita ng pagpupuyos ng damdamin. Ano pa ba ang pag-uusapan mula sa pagal na katahimikan, e sa ganun na nga! Nakakarindi ang lumalangit-ngit na mga ngipin sa inis. Malaon mangusap ang isip na nababagot sa pagkakataon. Mahal mo siya pero may mahal siyang iba. Ni pagtingin ay hindi ka bahaginan ng iyong sinisinta, magparunggit man hindi ka pagkakalooban dahil sa sadyang hindi ka pansin. Nagpapatintero ang mga hinlalaki habang panay ang galaw ng mga paang naghahanap ng buwelo at susugod na mapa-ilang saglit na lang. Kung lalapit pa kaya at mangungusap; o tatalikod habang namamatay sa selos na dapat nga e hindi kase wala ka namang karapatan.

Hindi komedya ang palabas lalung hindi drama kase hindi ka naman martir. Kung maging aksyon ang eksena, di kaya ikaw ang lumabas na kontrabida pagkatapos? Ito ay kwento ng pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang iniibig, dangan lamang at sagad sa pagkatorpe.
Kalabisang maging tanga lalu na’t wala kang kausap o katabi man lang. Tutulo ang sipon at sisinghutin muli. Wala kang maka-usap habang nagbabadya kang maglabas ng komentaryo sa nararamdaman.

Friday, February 18, 2005

rayumatic expressions

ulap

puwing ka lang
naman dati sa aking paningin
at minsa’y pang-abala
sa aking paghimbing

bagamat singabal mo na
ang aking panimdim..

bakit di ka pa mawala
eh kay dali mo namang alisin?

Hanggang ngayon
Di ako tiyak sa gagawin..
dahil
Binulag mo na yata
pati ang aking damdamin

………………..


ulap2

guni-guni ka lang naman,
alam ko
kaya bakit ka pa ba pag-uukulan
ng pansin?

Pampagulo ka lang namn
Sa aking routine
Bakit pa ba naman kitakailangang
Intindihin?

Pero anuman yata ang gawin ko’y
Naandayn ka pa rin.

Naghiihintay
Nag-aabang
Umaasa sa manaka-nakang
Pagpatak ng damdamin

Sadya sigurong ang pagtingin
Ay hindi pwedeng angkinin?

Wag mo lamang pagtangkaan
Dahil alam kong sa isang iglap kang

Kaya mo itong nakawin.



ni ..rayoo

Nang tinaggalan ako ng Paa, nagkaroon ako ng pakpak

lynette olabe

Di katagalan ng taong kasalukuyan, sa kalaliman ng gabi, nagising na lang akong bukas ang pinto, may kutsilyong nakaipit sa bandang ilalim, at nawawala ang bag kong naglalaman ng mahalaga kong gamit- ang aking kamera. Di ko man nalaman kung sino, pero handa akong pumatay ng tao nung mga panahong ‘yon. Isa lang ang malinaw, hindi man ako pisikal na nasaktan, pero pinilayan ako. Dahil sa tuwi-twina, e kakabit ko ang aking kamera. Parang isang piraso ang napilas sa aking bituka.

Matapos ang masaklap na pangyayari, bumaling ako sa pagsusulat. Sa sarili, tamad talaga akong magsulat. Pero dahil mas tamad akong magsalita, pinilit kong magsulat. Kamalasan naman na dumating sa puntong ang hilig ko sa pagsusulat ay balingan ng pagkapagod ng aming kompyuter. Bumigay ang motherboard kasama ang mga naipunla kong ideya na nalikom ko sa pagdaan ng maraming panahon. Pakiramdam ko tuloy, nawalan ako ng imahinasyon.

Magulo ang mundo, kasing gulo ng utak ng tao. Minsan nga gusto ko munang makalimutang huminga. Pero may pag-asa pa sa loob-loob ko. Hanap ako ng ibang pagkakaabalahan kesa tumunganga at maghimutok. Sulat uli. Sa papel na, mahirap na kase. Mas mabuti pang kahig manok ang sulat kesa mauwi uli sa kawalan ang lahat.

Kapag pinagbagsakan ka ng mga kamalasan, di mo kontrolado. Okay sana kung masisisi mo ang sarili mo sa kapabayaan pero iba ang ihip ng hangin. Masyadong maraming external forces ang bumubulusok sa maigting na pagkakataon.

At nag-SONA, pero wala ko don…

Hindi ito ang unang pagkakataon na bumagsak ako sa pagkaka-upo at mag-isip na maglaslas ng pulso sa mga nangungulit na mga tanong, kung kelan daw ba ko ga-graduate. At ang aking himutok: Gawin mo ang gusto ng iba, hindi ka masaya. Gawin mo ang gusto mo, makasarili ka. Matutong mag-compromise… hindi pwede, maiipit ako.
Nang tinaggalan ako ng paa, nagkaroon ako ng pakpak.

Matagal bago ako naka-recover at nakapag-isip. Ang buhay ng tao, hindi naman talaga gulong kundi isang laro na ikaw mismo ang taya. Ikaw ang maghahabol sa panahon.Sa ngayon, ang sarili muna ang mahalaga. Hindi ibang tao. Mahirap mabuhay sa impresyon ng iba, nakakabulag.

Isip uli. Maraming bagay ang nawawala, kahit ideya nananakaw. Pinakamasakit kung mismong ikaw inagawan ng bagay na mahalaga sayo. Tapos, alumpihit ka, di mo alam kung saan babaling.

May mga problemang masakit sa puso at naka-ubos ng luha. May mga problema ding nakakabaliw tulad ng sa Pinas. May mga problema namang sadyang nakakatawa. Sa totoo lang, nasa tao lang kung paano niya dinadala.

Sa bawat masakit na pagbagsak, dapat lang siguro ang bumangon. Kapag tinaggalan ka ng paa, piliting mong magkaroon ng pakpak. Gaano man katuso ang buhay, kahit ilan pang pagkakadapa at masamang pangitain ang dumaan. Dama mo sa iyong sarili na patuloy ka pa rin sa paghinga.

zero minute poetry

smitten

by ryu

Her smile used to blend well with the stars.
Almost a dream,
An enchantment,
A masterpiece…

Like mornings
And the shore
Like springtime
And days before

Her words used to captivate every soul
Almost a goddess to a mortal
Of heaven
Touching ground.

Like nights
And the sea
Like the summer sky
As seen by the trees

But things come clear as seasons changed
Revealing bolts of thunder beneath
The soothing rain

I believed…

Her smile and words and the mornings
And the shore.

Only to be smitten
And nothing more..

………………………..
Grand Central Heartstopper
by ryu

May diwata sa kabilang
dulo ng lamesa
kaya di ako makakibo, di maka-imik
kahit gusto nang sumabog ng aking dibdib…

kung pwede nga lang
patigilin muna
ang pag-ikot ng daigdig…

para pansamantalang maglaho
ang mga gumugulo sa isip …
ipadala sa buwan ang
lahat ng angas sa paligid

para kahiit sandali’y
nakawin ko naman ang atensyon mo..

pero imposible…

dahil madaya ang oras
at ang kaninang “ngayon,”
ay mabilis na “nakaraan na”
at ang “mamaya pa” ay
nagmadaling naging “kahapon pa”

at ang diwata sa kabilang
dulo ng lamesa,
na nagpapatahimik ng aking
mga kaba,
at nagpapatiklop ng aking mga
pangamba

ay nagbabadya na namang lumipad
papa-alis…

naiwan na lamang akong
‘di makakibo, di maka-imik
at nakatanga sa mga piraso
ng sumabog kong dibdib…

…………….
magic potion
by ryu

kailangan ko pa
ba ng
himala?
O ng kupidong tagapana?
O ng sanlibong
Manghaharana?

O ng pansit na may gayuma?

O hiling sa wishing well?
O libro ng witches’ spells?
Itxt ka ng isang milyong love quotes?

O I-wish sa “wish ko lang”?
O ilakad ng paluhod sa may baclaran?

Paano kung makayanan ko lang
Ay isang tula?
May matupad kayang himala?
…………………………

Thursday, February 17, 2005

Unending, Indefinite, Perpetual...

Trialogue
Trinity

i don't know
how i got there
but i'm not surprised anymore
for i have been there
too many times
too many times in fact,
i don't have recollections at all.


so there i was standing
my mind was consumed thinking
about which way to go
should i take the freeway
where speed is of the essence
or onto the service road
where the trip would require patience?


i paused for awhile
pondering the choices
that was before me
then i heard two distinct voices


one said "take the freeway kid,
and call it quits" "just let it go, it's not
all you fault to begin with!"

then the other one said,
"yeah right, listen to him..."
"take the easy way out, undermine
the "what could have beens..""


"but this is not you kid, i know
you for so long"
"you know there is a better
way out of this shit,
and it's not going home."


"look who's talking?"
"he who claims steadfast, but the three
of us knows,
anytime he could collapse!"

"yes, infallible i am not, sometimes
i have my shortcomings too,
but im not the type who easliy gives up!"


"trials come and go, but steadfast, i shall
remain, my faith to her is unbreakable
amidst trememdous sorrow and pain"


"she will have my unwavering love,
my devotion shall not wither,
although hope seems so distant
i shall not despair!"


"listen to yourself, do you know
what you're saying?
"you've always been suicidal,
especially about things you never
saw coming."

"are you that stupid? have you lost
your mind? have you ever gave it
a thought, that she's willing to leave
it all behind?"

"no, im not stupid, my mind
is still intact, yes, im confused
but that doesn't mean im
whacked."


"not seeing her, at the end
of the road, whichever road
should i take, is a possibility
that im willing to face."


"but in the shortest time,
that i was fortunate to have spent
with her, i have a reason to
conclude, that she will be there!"


"such optimism is admirable,
but don't you think it is futile?
assuming she will be there, but
can you run the extra mile?"

"sooner or later, i know
you would give up. might
as well stop now, what do you
say about that?"

"i say shut up! this is my life."
"i know what im doing, why dont
you just tag along for the ride?"


"sarcasm, sarcasm... that, you
always have too much, too much
in fact, that you fail to discern
what is fiction and what is fact!"

"fact is, she is also on the
crossroads of her life right now,
more confused than you, her mind
is clouded by doubt."

"why am i listening to you?
i should have known better!
you are the same doubt that
corrupted my lover!"


"no i am not, i beg to disagree.
i am but a piece of yourself
who just wants you to be free."

Tuesday, February 15, 2005

walang minutong kataga


May tibok na pumiyok
May tibok na pumiyok,


naramdaman mo ba?
Nang magsama tayo sa magdamag,
kapiling ang mga buwan at butin ng gabi
Tinataglay ating mga ngiti
sa walang kakupas-kupas na pagbati.

Binabalot mo ang hiwaga sa mga tanong,
Mga tinign na walang pasubali,
Nilinaw mo ang nanglalabong diwa.
Binuhay mo ng mga kwentong pagsinta.
Sandaling natanga,
May tibok na naghuhumiyaw,
Siilin at isantabi,
Nagpupumiglas, naninikis
Naghihintay ng pag-amin.


Sa lilim ng ulan at ambon

Sa usok ng nanginginig na sound system
Sa pagsalungat sa di makasundong ulan at ambon,
Nababad ako sa gitna ng pagkakatindig
Sumandaling namangha sa nangyayari.
Habang ang kasama ay iwan ako panandali,
At ng mag-pihit ang lingon sa kinaroroonan,
Nagtagpo ang tingin na inaasam-asam.
Nagtagpo ang tingin at ako’y nagkuyom,
Sa papalakas na ulan at ambon.
At nagbalik sa walang nangyari
Ngunit kiniliti ang romantikong senti
At sa kasama’y biglang tumugon
Palayo sa binabagyong panahon
Magpuyos man ang loob sa pananahimik
Sa kakatuwang tagpo ng pag-ibig,
Natikman ang tamis ng sandali,
Habang puso’y malaya pa ring pipintig

by lino






Wednesday, February 09, 2005

zero minute poetry

........................................................................................
Amidst the vastness of the untamed darkness of the night,
Along with the music of crickets and pulsing of the stars,
The wind bears your ghostly prayers,
an how I embrace that invisible presence,
sustaining strenght to my weakening spirit.

In the whisper of danger and roars of the war,
the wilds now is wildiest
yet
I can hear you,
leaving me wondering whether you hear
the rush of my breathing ,
chasing the life that is about
to flourish.

Debris of broken hopes and homes falls in the ashes
of their foundation,
Flying embers floats in the glory of the breaking dawn.
The dusted sky with distinct starlights has demise.
The warmth of the sun looms and spreads over the wounded
face of the earth,
And yet shades of green hides the scars of the battle in the woods,
in that forest where defeated dreams and fantasies of mine
for you will forever be entombed.

Say goodbye now dearest,
This will be the last time I will embrace your whisper,
the last time I will sleep in the imaginary presence of your serenade.
Heed me now, my pale umber rose ever beautiful in the plain,
Say farewell to the red butterfly dreaming endlessly in the mountain
of sorrowful melody.

PALE UMBER ROSE AND RED BUTTERFLY
by
Vaikhu

Sunday, February 06, 2005

crash test

someday pinoys will be able to travel in space.
by ryu

maybe we'll be the first to inhabit uranus, or turn the moon into
a mall. maybe one day we will be hovering about from planet to planet at the speed of sound. or communicate at the speed of thought. or laugh at the speed of sense. for we never know what the future holds.

like now. we may be dreaming of conquering the world, but all we really need to do is conquer our fears...

but what do we fear really? acceptance or rejection? truth or its consequence? death or existence?

this little experiment of ours we call "the gazette" is aimed to test it. to experience what its like to be accepted or be rejected. to learn and unlearn. to die and exist.

we may not know what the real answers are in the end. but we know of only one thing. we will try.

this will be the first time you'll hear about us.
but definitely not the last...

articles will be posted here regularly.
comments are welcome of course..

(just click the comments marker below.)



fiction/mythology

........................
(first part of a trilogy)

In the time when magic ruled the earth and
mythological creatures freely roamed the lands, skies
and the seas, there lived two unique individuals,
whose eternal love for each other encompassed and
transcended all boundaries both physical and
metaphysical. whose lives were intertwined even before
the cosmos was created, destined to become as one.
this is the story of Hew and Aye.

It was said that Aye,an immortal, was a water god,
tasked to nourish the earth with revitilizing water.
Aye was a young god who possessed strong and
attractive qualities. Hew on the other hand, was a
sea-goat, an earth dwelling creature. Legend has it,
Hew possessed the most beautiful face in the whole of
the earth which was the reason why other creatures
envied Hew and most of other earth and air dwelling
creatures mortal or otherwise, as well as gods wooed
Hew.

Although Hew was courted by hordes of earth dwelling
and air dwelling creatures, Hew didn't found a single
one that would made her happy and contented. Somehow,
Hew felt like there was still something missing in her
heart. Her spark longed for someone she didn't have
any idea about. The same was true for Aye. Although he
didn't pay that much attention to his mundane life, he
felt that there was something in his life.

Both were into scrying, a method of communicating with
someone from another place provided that both have
their own scrying pool. Hew' purpose for her scrying
pool was to pester other mortals for she was known to
have this playful personality sometimes, her way of
venting off her angst. Aye's use of his crying pool
on the other hand, was to relax himself after doing
his task as a water god. Then one day, as Hew was
scrying her pool, she chanced upon Aye! As if the
fates dictated the events that transpired that day,
Aye was also scrying his pool!

Aye's scrying pool allowed him to show his face while
he was scrying. Hew's scrying pool on the hand, was
just limited to voices. Then it all happened on 27th
day of the tenth month. This was the first time Hew
saw Aye. They had casual conversation that day, but
what followed next was something both of them have
never expected to happen. The awakening of their spark
long dormant! Legend has it, all creatures mort have
their own spark but not all sparks are awaken easily.
Each spark have to find its own complementary spark in
order for the awakening to take place.

On the day the two first met, Hew's playful nature got
the better of her, she jokingly said to Aye when she
saw him for the first time, "Hail to thee!". Aye,
didn't mind what he heard, because he was skeptical at
first. Aye insisted that Hew show herself but she
lamented that her scrying pool doesn't allow her to be
seen by others but she can see them. This saddened Aye
but it didn't stopped him from finding out how Hew
looked like. Alas, with Aye's persistence, Aye was
able to see how Hew looked liked. The image of Hew
instantly smittened Aye! He fell in love at first
sight. Soon Hew and Aye were communicating constantly,
undermining the distance and time that separated them.
For Aye was a god dwelling in the heavens and Hew was
a beautiful sea-goat living on earth.

And the two got in touched with each other constantly,
and finally with Aye's persistence, Hew accepted Aye's
request to be his concubine. Though she knew that Aye
can't easily descend from the heavens and it would
take some time before he does, still she accepted his
request. So the two became a couple, a strange
relationship guided and governed them.

Both of them knew what was at stake, they knew what
they got into. A water god and a sea goat relationship
was not an easy one. Hew's close circle of friends
often discouraged her from continuing her relationship
with Aye, citing distance and unfamiliarity with each
other, not to mention the strange union of the two as
reasons. But because Hew loved Aye so much, and their
love for each other was so strong, it literally went
against the dictates of the Powers that Be.

Unbeknownst to Hew, Aye on his spare time consulted
the Oracle using his scrying pool. There the water god
stumbled upon the truth behind their relationship. Aye
knew about their repective Fate, Destiny and Karma.
The Oracle showed him a portent of things to come. The
Oracle told Aye that he can't descend to the earth
because he was a water god and Hew was a se goat.
Their relationship was forbidden let alone the union
of their sparks. For their union would sire an entity
that would corrupt Aye and his descension would put
his god status and immortality at risk. But Aye, known
for his stubborness, undermined the Oracle's warning.

True to his rebellious nature, Aye descended from the
heavens ahead of schedule. He was supposed to descend
two years after they first met, for that is the time
when gods were temporarily relieved of their duties
and were allowed to mingle with earth dwelling
creatures. And so Aye descended.

There was magic indeed when the two finally met in
person. The feeling was inexplicable for the both of
them. Even the heavens and the earth celebrated with
them or so it seemed... That very same day, Aye asked
Hew's hand in marriage. Because Hew and Aye were so in
loved with each other, the marriage took place. On the
night of their union, both of them felt strange. Then
they made love to each other.

At first, Aye remembered what the Oracle have told him
but due to Hew's beauty and charm that night, he let
go of his "godly" worries and made love to Hew. Their
union was the most electrifying and liberating
experience they've ever felt. Their sparks became one.
For the first time in their existence, they felt and
knew they're finally complete!

Just like the Oracle foretold, their union sired the
entity known as Dawt. While Hew and Aye were so
preoccupied recounting what just happened, Dawt,
oblivious to Aye, entered Aye's subconscious mind.

Aye stayed on earth and enjoyed his temporary stay for
the duration of his "rest period". When it was time
for him to ascend into the heavens, Hew asked him to
stay. She pleaded with him to relinquish his
immortality and his god status and live with her but
Aye said "No." "In time.." Aye said to Hew. As Aye
tried to ascend, he failed because the night their
sparks became as one, Aye lost his god status and with
it his immortality.

Aye was forced to live on earth but he didn't regret
living on it for he was happy. Nothing pleased him
more than waking up everymorning in Hew's arms.
Together the two lived a simple life free of worries.
All they cared about was they have each other and that
was all that mattered to them.

As Aye enjoyed living on earth, he had no idea that
Dawt, the evil entity sired by the union of Hew and
Aye's sparks, started corrupting his spark. Hew
although already married to Aye, still possessed the
most beautiful face in the whole of the earth. Hordes
of earth dwelling creatures continued to admire her,
giving her gifts and offerings. At first, it was
alright with Aye for he knew that Hew love him so
much. That eventhough Hew was always wooed by hordes
of earth dwelling creatures, Aye knew that he was
still the sole owner of Hew's love. Then as days went
by, Dawt's control over Aye's spark got stronger and
stronger. Then finally it took control of Aye
completely. Hew's spark on the other hand, remained
pure and uncorrupted for she still had control over
her spark. She knew who she really loves, who she
desires, who she wants and who she needs. It was Aye.

One day, Aye saw Hew talking to another male earth
dwelling creature. Under normal circumstance, the
scene was just an ordinary one considering Hew's
beauty and charm. But what Aye saw that day drove him
into madness. Envy consumed his spark, it clouded his
judgement. it infuriated him. He lost his sanity and
followed Dawt's command. He slew the creature to whom
Hew was talking to. Then Aye grabbed Hew by the hair
and dragged her back to their abode.

Hew cried, pleaded but Aye didn't heard for he was
completely under Dawt's command. Aye struck Hew in
every part of her body in ways unimaginable. Hew bled
but Aye didn't stop what he was doing. Finally,
insanity consumed Aye's spark, in a desperate act of
preventing other creatures to admire and fall in love
with Hew, Aye killed Hew and along with her, her
spark. When Hew's spark died, it triggered a chain
reaction. Since their spark were not as one anymore,
Dawt died as well for Dawt was sired by the union of
Hew and Aye's sparks.

Upon the death of Dawt, Aye regained sanity. Aye saw
Hew lying on the floor immersed in her pool of blood.
Aye saw his hands red with blood, his garments stained
by it. Aye wept, but it was too late. Hew was already
dead. The portents shown to him by the Oracle came
back to him. He knew that this would happen the moment
he descended from the heavens, he knew that the union
of their sparks would sire Dawt, he knew about their
fate, destiny and karma. But he undermined everything
he learned. He knew that in order to make things
right, he had to die as well in order for their sparks
to reincarnate in the next lifetime and hope that
their spark would find each other and become as one
again. So without hesitation, Aye killed himself...


(lucita fernando)
end of part 1, to be continued...