"stop, look, listen, write." submit articles to: krayraen@yahoo.com

Saturday, February 26, 2005

RE-PUBLISHED

bLacK rOsE’s Notes: this material was originally published in “HUBAD IV” Ang Opisyal na Suplementong Pampanitikan ng The Gazette last 2004. I’ve decided to published this material again here in Spolarium to share my very first attempt to write a meaningful article concerning the life of a Student Journalist. Having a life were he encounters the pleasure and the anguish of Serving The People. The time were he understands the true eloquent of love. Please don’t interrogate me why should this material must be published, just read between the lines and you’ll know why... Ok! I want to take this moment and give my gratitude to Little for the bestow of publishing this material in the literary polio and Prince for the exquisite drawing that gave life to this material. (Astig kayo mga pare ko!) and lastly to the most influential and the greatest band of all time the EraserheadS. (Atin ‘to!) Jocelyn I. Noche this is for you.

huling el bimbo

Malalim na gabi... malamig ang simo’y na hangin... maningning ang mga bituin... lagi ko pa ring naalala noong mga panahon na kasama pa kitang sumasayaw sa himig ng malamyos na musika...

Freshman ako noon ng mag-apply ako sa isang pahayagang pangkampus. Nakilala ko si Jocelyn o mas kilala sa tawag na Jorn sa mga nakakakilala sa kanya. Ewan ko ba, itinakda na talaga siguro ng tadhana ang aming pagkikita. Tandang ko pa, naaliw ako noon sa tugtog na nagmumula sa isang opisina. Kaya naman nagmadali akong pumasok sa loob para makinig at para itanong na rin kung saan ang publikasyon. Nakita ang isang napakagandang babae, kung saan sinasabayan niya ng sayaw ang tugtog sa radyo ng nag-iisa. Sa simula ay hindi ako nagpahalatang naliligaw sa paghahanap ng opisina ng publikasyon, ngunit ng ako’y napatinign sa kanya, tila na batu-balani ako sa tamis ng kanyang ngiti sa kanyang mapulang labi at napansin ko ang ningning ng kanyang mga matang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at tinugunan niya ito ng isang mapang-akit na tinig. “Ano po ang kailangan nila?” tanong niya sa akin habang lumapit ako sa tabi niya. “Saan po ba makikita ang opisina ng publikasyon? Mag-aaply kasi akong writer...” tanong ko. “Tamang-tama ang pasok mo, ito na nga ang opisinang hinahanap mo. Paki-fill up na lang ng application form...”

Naging simula ng aming pagkakaibigan ang pagkikitang iyon. Nalamam kong siya pala ang Associate Editor ng publikasyon. Masayahin si Jorn at iisipin mong parang wala siyang problema sa buhay. Sa tuwing meron kaming presswork palagi kaming magka-partner sa artikulong ginagawa ko. Palagi niya akong tinuturuan sa lahat ng bagay na hindi ko maunawaan sa aming trabaho. Sa tuwing natatapos ang aming gawain sa dyaryo ay parang tumitigil na ang pag-ikot ng mundo dahil yayain na naman niya ako sa rooftop ng Student Union Building para makinig sa paborito naming banda ang Eraserheads. Tuwang-tuwa si Jorn kapag naririnig ang kantang “Ang Huling El Bimbo” kasi paborito niya iyong part na sumasayaw na ang Eraserheads ng El Bimbo doon sa video nila. Ewan ko ba, siguro likas lang talaga sa kanya ang pagiging masayahin. Paano ba naman imbes na makinig nalang sa tugtog ay sinasabayan pa niya ito ng sayaw. Siyempre ako naman sumayaw din, sinaksakyan ang trip niya.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti ay nagkukubli ang kalungkutang maaninag sa kanyang mga mata. Naalala ko tuloy ang palaging sinasabi sa akin ng tropa, “Sa mata makikita ang tunay na damdamin.” Maalala ko, dalawang taon na rin pala kaming magkaibigan ni Jorn. Matagal na rin pala at sa loob ng dalawang taon ay hindi ako magdadalwang-isip sabihin na nagkaroon na rin siya ng espesyal na bahagi sa aking puso simula pa lamang ng una kaming magkakilala. Sa tingin ko, hindi ko na ito mapipigilan. Matagal ko na itong kinikimkim sa aking dibdib.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon hindi ko na ito pinalampas pa. “Jorn...” ang malambing kong pagsambit, “Alam mo lagi kitang iniisip, naalala... siguro mahal na kita...” Hindi nakapagsalita si Jorn. Sa mga oras na iyon ewan ko kung ano ang iniisip niya nang sabihin ko sa kanya iyon. Basta ang alam ko, kahit paano, kahit kaunti ay may nararamdaman din siyang pagmamahal sa akin.

Nalungkot ako dahil ng mga sumunod na araw ay hindi na siya madalas pumunta sa opisina. Hanggang isang araw nakita ko na lang na kasama niya si Jamp, ang kanyang bestfriend. Gusto kong magalit, magwala ngunit ano ang karapatan ko? Wala. Ganito nga ba talaga ang pag-big, kapag nagmahal ka ay huwag mong asahang magkaroon ito ng kapalit?

“Jorn, bakit? Bakit kailangan mong itanggi ang nararamdaman mo para sa akin? Bakit kailangan mo akong iwasan?” pinilit ko siyang makausap sa kabila ng hindi niya pagpunta sa opisina at pagre-resign niya para lang makaiwas sa akin.

“Ano bang pinagsasabi mo Jeronne, hindi ka ba nakakahalata na kaya iniiwasan kita ay dahil hindi kita gusto?”

Gusto kung lumubog sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Ngunit iniiwasan niya akong tingnan. ”Alam ko sa sarili ko, nararamdaman ko... mahal mo rin ako Jorn! Huwag mo na itong pigilan pa mahihirapan ka lang...”

“Hey, hey, nagkakamali ka. I don’t have any feelings for you. Sorry...” iniwan na akong tulala ni Jorn. Ang sakit-sakit parang gusto kong mawala sa mundo sa mga oras na iyon. Bakit kasi umamin pa ako, sana’y magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.

Wala na akong magagawa, kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan maghilom ang sugat sa puso ko. Sinubukan kong kalimutan si Jorn sa pagiging masipag sa pag-aaral at paggawa ng maraming artikulo sa dyaryo. Makalipas ang isang taon dala na rin siguro ng karanasan ay naging Culture Editor ako. Masayang-masaya ako noon. Gusto kong ibahagi ang aking tagumpay... kay Jorn. Ngunit nasaan na nga ba siya? Lagi ko pa rin siyang naalala. Naalala ko siya kapag umuulan, naalala ko siya kapag giniginaw, naalala ko siya... ilang bukas pa kaya bago kami magkita? Ang malandi niyang tinig, ang makulay niyang tawa. I really miss her so much.

Ang akala ko’y tuluyan ko ng makakalimutan si Jorn, ngunit tila pinaglalaruan yata ako ng pagkakataon. May dumating na sulat sa aming opisina na galing sa Alyansang Kumakatawan sa Karapatan ng Mag-aaral. Kailangan nila ng suporta ng lahat ng organisasyon ng estudyante sa pamantasan upang mapigilan ang pagtaas ng matrikula sa pamantasan. Kalakip ng sulat ay ang alyas na “Supremo”. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinabahan sa sulat na iyon.

Dumating na ang takdang oras. Isang malawakang protesta ang naganap sa Pamantasan ng Kabite. Ako, kasama ng editorial board and staff ng publikasyon at ang iba’t ibang organisasyon sa pamantasan ay nagmartsa patungo sa Admin upang ipaalam ang aming hinaing sa Presidente. Nagsimula nang magsalita ang chairman ng iba’t ibang organisasyon sa kampus. Maging ako’y nakapagsalita na rin. Hanggang sa tawagin ang chairman ng alyansa- ang Supremo. Bigla na naman akong kinabahan. Bumilis muli ang tibok ng aking puso, tila may magaganap na hindi maganda sa oras na iyon.

“Tinatawagan ang chairman ng alyansa upang magsalita ang Supremo!”
“Si Jorn? Si Jorn ang Supremo!”

Hanggang sa marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Nagtakbuhan ang mga nagprotestang estudyante sa iba’t ibang direksyon. Hinanap ko agad si Jorn. Nabigla ako sa aking nakita, kumalat ang likidong pula sa kanyang kamiseta.

Pumunta ako sa pagamutan kung saan dinala si Jorn. Malungkot ang kapatid ni Jorn ng makita ako. Meron siyang ipinagtapat sa akin.

“Bata pa lang kami ng mamatay ang aming ama dahil sa walang awang pag-salvage sa kanya ng isang pulitiko na kanyang naisulat sa isang kilalang pahayagan sa aming bayan. Ang ina namin na isa ring batikang manunulat ay hindi natahimik hangga’t hindi nabibigyang katarungan ang pagkamatay ng aming ama. Patuloy pa rin siya sa pagsulat ng artikulo tungkol sa isang pulitiko hanggang isang araw, natagpuan na lang ang kanyang bangkay, walang awang pinatay. Makalipas ang isang taon nabigyan rin ng katarungan ang pagkamatay ng aming mga magulang kasabay ng isang pangakong kahit kailan ay hinding-hindi siya iibig sa isang manunulat o kahit kaninong lalaking miyembro ng pahayagan. Lagi lamang daw niyang maalala ang nangyari sa aming mga magulang. Ngunit nagbago ang pananaw niyang ito ng makilala ka niya. Gulung-gulo ang isip ng Ate kaya napagpasyahan niyang mag-resign sa publikasyon para makapag-isip at malaman ang tunay niyang nararamdaman para sa’yo, kung kakalimutan ba nya ang nakaraan o mamahalin ka ba niya ng boung-bou...” nagulat ako sa aking nalaman.

Natuwa ako ng malaman ko na mahal pala ako ni Jorn, subalit ang tuwa ay napalitan ng lungkot nang pumasok ako sa silid ng aking “kaibigan”. Maputla siya, malalim ang mga mata na tila pagod na pagod.

“Jeronne...” kitang kita ko sa ang kislap ng kanyang mga mata pagkakita sa akin. Hindi ko natagalan ang tinging iyon. Awang-awa ako sa kanya. Tumagos ang bala sa kanyang puso, ngunit kahit natanggal na ang bala dito ay 50/50 ang tiyansa niyang makaligtas.

“Nakakatawa ano, kayang-kaya nating lutasin ang problema ng iba ngunit ang problema ng ating mga puso ay hindi...” hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Jorn. Tama siya kailangan na naming tugunan ang problema ng aming mga puso.

“Puwede mo ba akong dalhin sa rooftop ng ospital, magsayaw tayo sa liwanag ng mga bituin kagaya ng dati...” sinubukan niyang maging masigla, kahit nakakaramdam na siya ng sakit.

“Ano ka ba Jorn? Magpahinga ka na lang d’yan sa kama mo/”
Makulit si Jorn. Matagal na rin daw kasing hindi napraktis ang pareho naming lkaliwang paa.”Nakabatak ka ba Jorn?” pang-aasar ko habang paakyat na kami sa rooftop.

Makislap ang kanyang mga mata, matamis ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Bigla niya akong hinalikan sabay sabing, ”I’m sorry for not giving you a chance Jeronne, all this time, walang ibang nagmay-ari ng puso ko kundi ikaw lang. Ikaw...”

Lumalalim na ang gabi. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig. “Kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo. Mahal kita Jorn, mahal na mahal...” boung giliw kong sabi.

“I love you too Jeronne, I hope it’s not too late...” gusto kong umiyak ng mga oras iyon. Panginoon bakit siya pa? Bakit siya pa na ang hinangad lamang ay ang kapakanan ng kapwa namin estudyante? Siya na nais lamang ay pagbabago.

“Wala tayong tugtog Jeronne, kumanta ka para sa akin...” mahina na ang boses ni Jorn.
“Huwag na lang kaya? Halika na magpahinga ka na ayokong may mangyaring masama sa’yo.”
“No, let’s dance. Jeronne please?”

Napabuntong hininga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula na akong kumanta.

“lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw,
sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...
magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay...”

Jorn? Hindi na siya sumagot. Jorn! Tinawag ko siyang muli ngunit hindi na niya ako narinig. Nagpaalam na si Jorn.

Malalim na ang gabi... Malamig ang simoy ng hangin... maningning ang mga bituin... ang lahat ng pangarap ko’y bigla naglaho. Sa tuwing madilim ang gabi at marami ang bituin naalala ko pa rin si Jorn. Marahil malilimutan ko lang siya kung hindi ko na maririnig ang himig ng malamyos na musika...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home