"stop, look, listen, write." submit articles to: krayraen@yahoo.com

Thursday, August 31, 2006

weit a nimute!

wah tever half-end too all of you?

Sunday, April 03, 2005

00.00 minute poetry

KEREI NA KOKORO DE
(With pure Heart)
Naikhu Poe

If I could only escape
with an unstained heart,
away from this unwavering night,
I will come to posses your hands...
We’ll run away and ride the wind,
to tranquility living in the faraway land.
If I could only leave
with a pure heart,
I will engulf all the flames
that’s burning my lovely dream away,
fading in the shadow of the clouds
hiding the moon’s serenity.
A melody heralding my soar
Echoes in the wind’s icy fingertips.
Only a vision of smile
Keeps my feet in this lifeless ground
And
The water in your eyes glittering in my mind
Forcing me stay--
Still and silent. . .
It’ll continue to flow broadly and ungently
If I fade into this air without a word for you--
--Such painful as farewell. . .
No one had reached and even dared to go,
Or perhaps it only exists inside my heart alone,
That land where flowers still blooms
With pure beauty and fragrance,
The place where I can never journey
with your hands in mine. . .
But only
all of you in my mind
and my loud pulsing heart.

Wednesday, March 02, 2005

february ends....


The third eye
Originally uploaded by Pantalon.
now let's leave the lost love behind,
look forward, and march on! oryt? oryt!

spolman>> ryu

Monday, February 28, 2005

shimmer

maya

light cuts deep
through darkness' sleep
i wake,
nothing happens
nothing's left

but thoughts of you to keep..

Saturday, February 26, 2005

RE-PUBLISHED

bLacK rOsE’s Notes: this material was originally published in “HUBAD IV” Ang Opisyal na Suplementong Pampanitikan ng The Gazette last 2004. I’ve decided to published this material again here in Spolarium to share my very first attempt to write a meaningful article concerning the life of a Student Journalist. Having a life were he encounters the pleasure and the anguish of Serving The People. The time were he understands the true eloquent of love. Please don’t interrogate me why should this material must be published, just read between the lines and you’ll know why... Ok! I want to take this moment and give my gratitude to Little for the bestow of publishing this material in the literary polio and Prince for the exquisite drawing that gave life to this material. (Astig kayo mga pare ko!) and lastly to the most influential and the greatest band of all time the EraserheadS. (Atin ‘to!) Jocelyn I. Noche this is for you.

huling el bimbo

Malalim na gabi... malamig ang simo’y na hangin... maningning ang mga bituin... lagi ko pa ring naalala noong mga panahon na kasama pa kitang sumasayaw sa himig ng malamyos na musika...

Freshman ako noon ng mag-apply ako sa isang pahayagang pangkampus. Nakilala ko si Jocelyn o mas kilala sa tawag na Jorn sa mga nakakakilala sa kanya. Ewan ko ba, itinakda na talaga siguro ng tadhana ang aming pagkikita. Tandang ko pa, naaliw ako noon sa tugtog na nagmumula sa isang opisina. Kaya naman nagmadali akong pumasok sa loob para makinig at para itanong na rin kung saan ang publikasyon. Nakita ang isang napakagandang babae, kung saan sinasabayan niya ng sayaw ang tugtog sa radyo ng nag-iisa. Sa simula ay hindi ako nagpahalatang naliligaw sa paghahanap ng opisina ng publikasyon, ngunit ng ako’y napatinign sa kanya, tila na batu-balani ako sa tamis ng kanyang ngiti sa kanyang mapulang labi at napansin ko ang ningning ng kanyang mga matang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya at tinugunan niya ito ng isang mapang-akit na tinig. “Ano po ang kailangan nila?” tanong niya sa akin habang lumapit ako sa tabi niya. “Saan po ba makikita ang opisina ng publikasyon? Mag-aaply kasi akong writer...” tanong ko. “Tamang-tama ang pasok mo, ito na nga ang opisinang hinahanap mo. Paki-fill up na lang ng application form...”

Naging simula ng aming pagkakaibigan ang pagkikitang iyon. Nalamam kong siya pala ang Associate Editor ng publikasyon. Masayahin si Jorn at iisipin mong parang wala siyang problema sa buhay. Sa tuwing meron kaming presswork palagi kaming magka-partner sa artikulong ginagawa ko. Palagi niya akong tinuturuan sa lahat ng bagay na hindi ko maunawaan sa aming trabaho. Sa tuwing natatapos ang aming gawain sa dyaryo ay parang tumitigil na ang pag-ikot ng mundo dahil yayain na naman niya ako sa rooftop ng Student Union Building para makinig sa paborito naming banda ang Eraserheads. Tuwang-tuwa si Jorn kapag naririnig ang kantang “Ang Huling El Bimbo” kasi paborito niya iyong part na sumasayaw na ang Eraserheads ng El Bimbo doon sa video nila. Ewan ko ba, siguro likas lang talaga sa kanya ang pagiging masayahin. Paano ba naman imbes na makinig nalang sa tugtog ay sinasabayan pa niya ito ng sayaw. Siyempre ako naman sumayaw din, sinaksakyan ang trip niya.

Ngunit sa kabila ng kanyang mga ngiti ay nagkukubli ang kalungkutang maaninag sa kanyang mga mata. Naalala ko tuloy ang palaging sinasabi sa akin ng tropa, “Sa mata makikita ang tunay na damdamin.” Maalala ko, dalawang taon na rin pala kaming magkaibigan ni Jorn. Matagal na rin pala at sa loob ng dalawang taon ay hindi ako magdadalwang-isip sabihin na nagkaroon na rin siya ng espesyal na bahagi sa aking puso simula pa lamang ng una kaming magkakilala. Sa tingin ko, hindi ko na ito mapipigilan. Matagal ko na itong kinikimkim sa aking dibdib.

Nang magkaroon ako ng pagkakataon hindi ko na ito pinalampas pa. “Jorn...” ang malambing kong pagsambit, “Alam mo lagi kitang iniisip, naalala... siguro mahal na kita...” Hindi nakapagsalita si Jorn. Sa mga oras na iyon ewan ko kung ano ang iniisip niya nang sabihin ko sa kanya iyon. Basta ang alam ko, kahit paano, kahit kaunti ay may nararamdaman din siyang pagmamahal sa akin.

Nalungkot ako dahil ng mga sumunod na araw ay hindi na siya madalas pumunta sa opisina. Hanggang isang araw nakita ko na lang na kasama niya si Jamp, ang kanyang bestfriend. Gusto kong magalit, magwala ngunit ano ang karapatan ko? Wala. Ganito nga ba talaga ang pag-big, kapag nagmahal ka ay huwag mong asahang magkaroon ito ng kapalit?

“Jorn, bakit? Bakit kailangan mong itanggi ang nararamdaman mo para sa akin? Bakit kailangan mo akong iwasan?” pinilit ko siyang makausap sa kabila ng hindi niya pagpunta sa opisina at pagre-resign niya para lang makaiwas sa akin.

“Ano bang pinagsasabi mo Jeronne, hindi ka ba nakakahalata na kaya iniiwasan kita ay dahil hindi kita gusto?”

Gusto kung lumubog sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Ngunit iniiwasan niya akong tingnan. ”Alam ko sa sarili ko, nararamdaman ko... mahal mo rin ako Jorn! Huwag mo na itong pigilan pa mahihirapan ka lang...”

“Hey, hey, nagkakamali ka. I don’t have any feelings for you. Sorry...” iniwan na akong tulala ni Jorn. Ang sakit-sakit parang gusto kong mawala sa mundo sa mga oras na iyon. Bakit kasi umamin pa ako, sana’y magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.

Wala na akong magagawa, kailangan ko na siyang kalimutan. Kailangan maghilom ang sugat sa puso ko. Sinubukan kong kalimutan si Jorn sa pagiging masipag sa pag-aaral at paggawa ng maraming artikulo sa dyaryo. Makalipas ang isang taon dala na rin siguro ng karanasan ay naging Culture Editor ako. Masayang-masaya ako noon. Gusto kong ibahagi ang aking tagumpay... kay Jorn. Ngunit nasaan na nga ba siya? Lagi ko pa rin siyang naalala. Naalala ko siya kapag umuulan, naalala ko siya kapag giniginaw, naalala ko siya... ilang bukas pa kaya bago kami magkita? Ang malandi niyang tinig, ang makulay niyang tawa. I really miss her so much.

Ang akala ko’y tuluyan ko ng makakalimutan si Jorn, ngunit tila pinaglalaruan yata ako ng pagkakataon. May dumating na sulat sa aming opisina na galing sa Alyansang Kumakatawan sa Karapatan ng Mag-aaral. Kailangan nila ng suporta ng lahat ng organisasyon ng estudyante sa pamantasan upang mapigilan ang pagtaas ng matrikula sa pamantasan. Kalakip ng sulat ay ang alyas na “Supremo”. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinabahan sa sulat na iyon.

Dumating na ang takdang oras. Isang malawakang protesta ang naganap sa Pamantasan ng Kabite. Ako, kasama ng editorial board and staff ng publikasyon at ang iba’t ibang organisasyon sa pamantasan ay nagmartsa patungo sa Admin upang ipaalam ang aming hinaing sa Presidente. Nagsimula nang magsalita ang chairman ng iba’t ibang organisasyon sa kampus. Maging ako’y nakapagsalita na rin. Hanggang sa tawagin ang chairman ng alyansa- ang Supremo. Bigla na naman akong kinabahan. Bumilis muli ang tibok ng aking puso, tila may magaganap na hindi maganda sa oras na iyon.

“Tinatawagan ang chairman ng alyansa upang magsalita ang Supremo!”
“Si Jorn? Si Jorn ang Supremo!”

Hanggang sa marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Nagtakbuhan ang mga nagprotestang estudyante sa iba’t ibang direksyon. Hinanap ko agad si Jorn. Nabigla ako sa aking nakita, kumalat ang likidong pula sa kanyang kamiseta.

Pumunta ako sa pagamutan kung saan dinala si Jorn. Malungkot ang kapatid ni Jorn ng makita ako. Meron siyang ipinagtapat sa akin.

“Bata pa lang kami ng mamatay ang aming ama dahil sa walang awang pag-salvage sa kanya ng isang pulitiko na kanyang naisulat sa isang kilalang pahayagan sa aming bayan. Ang ina namin na isa ring batikang manunulat ay hindi natahimik hangga’t hindi nabibigyang katarungan ang pagkamatay ng aming ama. Patuloy pa rin siya sa pagsulat ng artikulo tungkol sa isang pulitiko hanggang isang araw, natagpuan na lang ang kanyang bangkay, walang awang pinatay. Makalipas ang isang taon nabigyan rin ng katarungan ang pagkamatay ng aming mga magulang kasabay ng isang pangakong kahit kailan ay hinding-hindi siya iibig sa isang manunulat o kahit kaninong lalaking miyembro ng pahayagan. Lagi lamang daw niyang maalala ang nangyari sa aming mga magulang. Ngunit nagbago ang pananaw niyang ito ng makilala ka niya. Gulung-gulo ang isip ng Ate kaya napagpasyahan niyang mag-resign sa publikasyon para makapag-isip at malaman ang tunay niyang nararamdaman para sa’yo, kung kakalimutan ba nya ang nakaraan o mamahalin ka ba niya ng boung-bou...” nagulat ako sa aking nalaman.

Natuwa ako ng malaman ko na mahal pala ako ni Jorn, subalit ang tuwa ay napalitan ng lungkot nang pumasok ako sa silid ng aking “kaibigan”. Maputla siya, malalim ang mga mata na tila pagod na pagod.

“Jeronne...” kitang kita ko sa ang kislap ng kanyang mga mata pagkakita sa akin. Hindi ko natagalan ang tinging iyon. Awang-awa ako sa kanya. Tumagos ang bala sa kanyang puso, ngunit kahit natanggal na ang bala dito ay 50/50 ang tiyansa niyang makaligtas.

“Nakakatawa ano, kayang-kaya nating lutasin ang problema ng iba ngunit ang problema ng ating mga puso ay hindi...” hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi ni Jorn. Tama siya kailangan na naming tugunan ang problema ng aming mga puso.

“Puwede mo ba akong dalhin sa rooftop ng ospital, magsayaw tayo sa liwanag ng mga bituin kagaya ng dati...” sinubukan niyang maging masigla, kahit nakakaramdam na siya ng sakit.

“Ano ka ba Jorn? Magpahinga ka na lang d’yan sa kama mo/”
Makulit si Jorn. Matagal na rin daw kasing hindi napraktis ang pareho naming lkaliwang paa.”Nakabatak ka ba Jorn?” pang-aasar ko habang paakyat na kami sa rooftop.

Makislap ang kanyang mga mata, matamis ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. Bigla niya akong hinalikan sabay sabing, ”I’m sorry for not giving you a chance Jeronne, all this time, walang ibang nagmay-ari ng puso ko kundi ikaw lang. Ikaw...”

Lumalalim na ang gabi. Lumalamig na ang simoy ng hangin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig. “Kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo. Mahal kita Jorn, mahal na mahal...” boung giliw kong sabi.

“I love you too Jeronne, I hope it’s not too late...” gusto kong umiyak ng mga oras iyon. Panginoon bakit siya pa? Bakit siya pa na ang hinangad lamang ay ang kapakanan ng kapwa namin estudyante? Siya na nais lamang ay pagbabago.

“Wala tayong tugtog Jeronne, kumanta ka para sa akin...” mahina na ang boses ni Jorn.
“Huwag na lang kaya? Halika na magpahinga ka na ayokong may mangyaring masama sa’yo.”
“No, let’s dance. Jeronne please?”

Napabuntong hininga ako. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula na akong kumanta.

“lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw,
sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...
magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay...”

Jorn? Hindi na siya sumagot. Jorn! Tinawag ko siyang muli ngunit hindi na niya ako narinig. Nagpaalam na si Jorn.

Malalim na ang gabi... Malamig ang simoy ng hangin... maningning ang mga bituin... ang lahat ng pangarap ko’y bigla naglaho. Sa tuwing madilim ang gabi at marami ang bituin naalala ko pa rin si Jorn. Marahil malilimutan ko lang siya kung hindi ko na maririnig ang himig ng malamyos na musika...

Wednesday, February 23, 2005

biro ng tadhana

inah tamarah (the quill)

may mga pagkakataon na kung saan talagang aakalain mong napagtitripan ka ng mundo.may mga pangyayari na kung saan ay magtataka ka kung ano talaga ang ibig sabihin no'n, kung di man ay kung anong mangyayari pagkatapos.
maghapon akong maghanap ng ChocNut. buong mundo na yata binulabog ko para magka-ChocNut lang ako pero walang nangyari. naiwan ako sa isang sulok na walang kausap at wala ring ChocNut.
Bigla na lang sumagi sa isipan ko yung bagay na pilit kong binabaon sa limot. bumalik ang bigat ng pakiramdam ko at tila ang bilis ng takbo ng buhay sa paligid ko habang ako'y nakatanga at gusto ko na lang mawala.
sinubukan kong magsaya at ngumiti kasama ang mga katropa pero walang nag-iba. akala ko'y matatakpan ng mga tawanan namin ang pagkatuliro ng utak ko. hanggang sa kinailangan ko nang umuwi kaya lalo akong nalugmok sa kalungkutan ko.
habang nakasakay sa jeep napasulyap ako sa magkasintahang magkaakbay. parang nilagyan ng gabundok na bato ang puso ko. napansin kong napatulala ako sa kanila kaya binaling ko ang aking atensyon sa labas ng jeep.
naglakbay ang diwa ko at parang gusto ko na lang din lumipad kasama ng isipan ko. sana naging simple na lang ang lahat at di na siguro ganito kakumplikado ang nararamdaman ko.
pagbaba ko'y nagpasalamat ako dahil malayo-layo pa ang lalakarin ko. kaunting panahon kasama lamang ang sarili ko at ang miserableng pakiramdam ko.
di ko alintana ang mga taong nagmamadali dahil sa ambon. binibilang ko ang bawat hakbang nang bigla kong maalala ang hinahanap ng panlasa ko.
kinatok ko ang tindahan ni aling emma para bumili ng ChocNut pero sabi niya kauubos lang daw. wala akong magawa kundi maglakad muli at magbilang ng bawat hakbang ko.
lumalakas ang ulan pero di ko yun pinapansin, ang hiling ko lang makakain ako ng ChocNut at mawala na ang problema ko. may magbigay lang ng ChocNut sa akin baka mapakasalan ko siya sa tuwa.
basang-basa na ako at lalo pang lumakas ang ulan pero di ako sumilong. gusto kong damhin ang pakikiramay ng kalikasan sa akin. pero pagtapat ko sa isang botika ay isang kamay ang humatak sa akin.
tumambad sa aking harapan ang taong nasa huling bahagi ng listahan ng mga taong gusto kong makita, ang ex ko. para siyang makakita ng lumang kaibigan at walang kaabog-abog ay tinanong ako kung may balak daw ba akong magpakamatay.
hindi pa ako nakakabawi sa pagkakagulat ay ngumiti ako na para bang ordinaryo lang ang mga nangyayari. ang sagot ko sa lang sa tanong niya ay kailangan kong makauwi kaagad.
sinabihan niya akong sumilong mula at tsaka inabot ang panyo niya. kinuah ko ang panyo at nahihiyang pinunasan ko ang basang-basa kong mukha habang pinanonood ko siyang kinkapa ang bulsa niya na tila may hinahanap. paglabas ng kamay niya ay nakita ko ang biro ng tadhana sa akin.
inilapit niya sa akin ang kanyang kamay at huminto sa pag-ikot ang mundo ko.
tinignan ko siya pero di niya matunugan ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. hinihintay lang niyang kunin ko ang nasa kamay niya.
yung ChocNut....

Monday, February 21, 2005

torpedo

by lino

Ginusto mong mapag-isa habang malayo ka nakamasid sa pinakamagandang talinhaga ng iyong buhay. Unti-unti mong binubuo ang pirasong pangarap sa pagtitig sa dilag sa malayo. Nang naabala ka sa pag-iibang ihip ng hangin mula sa tinatanaw. Mula sa sinisinta ay may ibang nagtangkang lumapit at nagkamit ng ngiti na dapat ay sayo kung sana lamang…

Gusto mong sumigaw pero hindi mo nagawa dahil kalabisan na ang magpakita ng pagpupuyos ng damdamin. Ano pa ba ang pag-uusapan mula sa pagal na katahimikan, e sa ganun na nga! Nakakarindi ang lumalangit-ngit na mga ngipin sa inis. Malaon mangusap ang isip na nababagot sa pagkakataon. Mahal mo siya pero may mahal siyang iba. Ni pagtingin ay hindi ka bahaginan ng iyong sinisinta, magparunggit man hindi ka pagkakalooban dahil sa sadyang hindi ka pansin. Nagpapatintero ang mga hinlalaki habang panay ang galaw ng mga paang naghahanap ng buwelo at susugod na mapa-ilang saglit na lang. Kung lalapit pa kaya at mangungusap; o tatalikod habang namamatay sa selos na dapat nga e hindi kase wala ka namang karapatan.

Hindi komedya ang palabas lalung hindi drama kase hindi ka naman martir. Kung maging aksyon ang eksena, di kaya ikaw ang lumabas na kontrabida pagkatapos? Ito ay kwento ng pagsinta ng isang lalaki sa babaeng kanyang iniibig, dangan lamang at sagad sa pagkatorpe.
Kalabisang maging tanga lalu na’t wala kang kausap o katabi man lang. Tutulo ang sipon at sisinghutin muli. Wala kang maka-usap habang nagbabadya kang maglabas ng komentaryo sa nararamdaman.